Prologue Ano kayang mangyayari if a promdi girl meet and fall to a hearthrob na ubod ng yabang,casanova at matalino, na hindi naman sya pinapansin at wala naman syang balak pansinin? May love story kayang mabuo o matututo nalang sumuko si girl. At sa tingin nyo ba pwede mainlove ang isang hearthrob na lalaki sa isang babaeng probinsyana na hindi naman masyadong kagandahan, may pagka matilino at hindi naman sikat. Paano kung gusto pala sya ng probinsyanang babae pero hindi lang nya pinapansin. Na naghihintay lang talaga na pansinin sya. Paano kung huli na nung malaman mong mahal ka pala nya at mahal mo na pala sya. Paano kung sawa na sya? may pag asa pa kaya? Paano kung nalaman ni girl na may gusto sa kanya ang bestfriend nya, tapos ito nalang ang pinilit nyang gustuhin. Paano na ang hearthrob na nagmamahal sa kanya, na naghihintay sa kanya. Mapag aralan kaya nya na mahalin ang bestfriend nya kahit ang alam nya ang mahal nya talaga ay ang hearthrob? Paano nga kaya.? yeah, trouble ba to? o sweet love story? Chapter 1 - Back To School "Anak, pumunta ka nga dito at ako'y tulungan mo" "Opo, sandali lamang po" bakit naman kaya ako tinatawag ng inay, baka magpapatulong lang magluto. Bago ko nga pala ituloy ang aking malatelenobela kong istorya, ako'y magpapakilala muna. Ako si Ana Christina Castillo. A.C tawag nila sa akin ay AC "AC, ANO GA NAMANG TAGAL NG SANDAli MO!"iyan na nga galit na ang aking ina "Ay oo nga inay, pasensya na po" pumunta na ko kay inay "Nay, ano po bang gagawin ko" tanong ko "Maggagayat ka lamang ng sibuyas at bawang" "Opo,sige po"- sabi ko sabay kuha ng sibuyas at bawang pagkatapos kung tulungan si inay at natapos na din si inay tinawag ko na ang itay, tapos kumain na kami. At naglikpit na din ako pagkatapos. **** [Sa sala] "Nak, gusto mo na gang mag-aral ulit, sayang naman isang taon na lamang at ikay tapos na sa high school" - itay. bakit kaya biglang naitanong ni itay "Bakit nyo po naitanong?"-ako "Ay anak, kasi naman magaling na ako, at tsaka kaya na naman namin ang aming sarili. At alam din naman namin gusto mong mag-aral muli" - itay Nagkasakit kasi ang itay, kaya kinailangan kong magtrabaho para kumita at tumigil sa pag-aaral ko para makitipid narin. "San naman po ako papasok?" "Sa Maynila" - inay "HO!? ang alam ko mahal ang matrikula doon, at tsaka meron naman pong eskwelahan dyan na mas malapit ah. At tsaka wala din naman akong balak pang pumasok sa kolehiyo e" sabi ko na medyo gulat parin "Ay Nene, sayang naman ang scolar na nakuha namin para sa iyo, hanggang sa magkolehiyo ka pa naman sana iyon" Ha totoo ba to? "Totoo po ba iyon?" gulat na gulat kong sabi "Bakit naman ako magloloko?" ay oo nga, bakit nga naman magloloko ang inay e, hindi naman marunong si inay noon. "Pero paano po iyon,mapapalayo po ako sa inyo?" sabi ko na medyo nalungkot "Ayos lamang iyon anak, pwede ka naman dumalaw dito paminsan- minsan" di ko malaman kung anong mararamdaman ko. Matutuwa ba ko kasi makakapag-aral na ulit ako o malulungkot kasi mahihiwalay ako kayna inay "Salamat po Inay, Itay" medyo naiiyak kong sabi Pumanhik na ko sa kwarto ko,pero di parin ako makapaniwala na papasok na ulit ako at makakapagkolehiyo din ako. *** [Dumating ang buwan ng June] Hinahanda ko na ang aking mga gamit na gagamitin at dadalhin, aalis na kasi ako bukas ^_________^ "ANAK" bakit naman kaya sumisigaw ang inay "Inay,bakit naman po kayo nasigaw?" medyo nagtataka kong tanong "Nasasabik na kasi akong ibigay ito sa iyo" O_O "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH, INAY TALAGA PO! SALAMAT PO! SALAMAT PO! *halik sa pisngi*" sabi ko na pasigaw Binigyan kasi ako ng cellphone ni inay, kahit hindi naman ito kagandahan masaya parin ako Bumalik na ko sa kwarto ko at inayos ko na ulit ang aking gamit A/N: pasensya na kung medyo baduy at maikli, bago lang po talaga ko dito sa wattpad e, at tsaka nakakanosebleed talagang mag pure na tagalog, Try nyo di naman masama e ^_^v Chapter 2 - OTW To Manila Nasa biyahe na ko, exited na ko, pero hahanap pa nga pala ako ng bahay doon, pero masaya parin ako ^_____^ **** "Nay ko po" sino naman kaya iyon alam na natutulog ang tao e "Ahh miss soorry kung nagulat kita, itatanong ko lang kasi kung pwede akong umupo sayo" yun lang pala akala ko naman ako'y paaaisin na nito "..." di na ko nagsalita di ko naman to kilala e =_= "Ui miss, pwede ba?" tanong nya ulit. Bakit pa sya nagtanong, hindi naman ako ang nag mamayari ng upuang to ito "O---" naputol ung sinabi ko may pumalayaw kasi ng sigaw "POGI DITO KA NALANG SA TABI KO, GUSTO MO AKO PA MAGBAYAD NG PAMASAHE MO E" sabi nung bakla na medyo kinikilig kilig pa. Pero ayaw parin umalis sa harap ko nang lalaking to sa harap ko. "Miss ano pwede ba?" paulit-ulit lang di nga sabi ako ang may ari ng upuan e tumango lang ako tahimik lang ako. Wala naman akong kakilala dito e at wala naman akong balak kausapin ang aking katabi, kaya matutulog nalang ako, ang aga ko di kasing gumusing kanina ka medyo inaantok ako "Miss, san punta mo" ako ba kausap nito? "Ako ba ang kausap mo?" tanong ko "Ay hindi po yung nasa labas ng bu ang kausap ko, nadidinig kasi nila yung tanong ko e kaya sila ang kinakausap ko" ah, akala ko naman ako. Dinig nga siguro nila sya. "..." wala na ko nasabi, di naman pala ako ang kinakausap nito. "Ui miss, ikaw kausap ko, niloloko lang kita at tsaka imposible namang marinig ako nung mga tao sa labas." lalaki ba talaga to? bakit parang ang daldal. Mas madaldal pa yata to sakin e "Ako pala kausap mo, bakit di mo sinabi agad" "Nevermind. I'm Marc, Marc Garcia" tinanong ko ba pangalan nito? "..." di ko alam sasabihin ko e, haha :D "Di mo ba sasabihin ang pangalan mo?" tinatanong nya ko kaya sasagutin ko din sya ng tanong "Tinanong mo ba? Ang pagkakaalala ko lang naman hindi mo ko tinanong kaya bakit kita sasagutin?" ano ba tong lumalabas sa bibig ko, para namang nawawalan na ko ng galang. "Okey, What's your name?" paingles ingles pa ahh, ano sya mayor para englisin ako "Ana Cristina Castillo, AC nalang" masaya na kaya sya? "Pwede ba tayong maging friend? Pwede makuha ang number mo? Gusto mo bigay ko nalang sayo number ko tapos ikaw nalang magtecks sakin pero kung gusto mo lang naman kung ayaw mo ayos lang" ang daldal pero gusto ko ugali nito "ammmmf, sige eto kunin mo nalang number ko" mukha naman syang mabait kaya payag na "San nga pala punta mo AC?" sabi nya na abot tenga ang ngiti "Sa Maynila, mag- aaral kasi ako dun" sagot ko "Anong year mo na? Colledge ka na ba?" tanong nya ulit "Hindi, fourth year highschool palang ako. Naghahanap pa nga ko ng titirhan, may alam ka ba? Baka naman pwede mo kong bigyan!" sabi ko na sabik na sabik sa isasagot nya. Ako naman ngayon ang tanong ng tanong e anong magagawa ko, kung hindi naman ako magtatanong hindi naman ako makakahanap ng bahay diba, at tsaka baka makamura pa ko kung sa kanya ko magtatanong. "Oo" tipid nyang sagot na ang ngiti pa ay abot langit. "Totoo,saan?tara samahan mo ko, dun nalang ako. Baka kasi wala na kong makitang tirahan don sa Maynila ayoko namang matulog sa daan at baka kung ano pang mangyari sakin, sige na samahan mo na ko friend na naman tayo e diba? Diba?" direderetso kong sabi, ang daldal ko yata ngayon ahh. "Sa bahay ko, pwede ka doon, katulad nga ng sinabi mo friend na tayo kaya di na kana stranger." totoo kaya yun baka naman may balak to sakin. "Nako nakakahiya naman sayo" sabi ko na medyo nahihiya "Siguro iniisipmo na baka may gawin ako sayo no? Don't worry di ako ganong klase ng tao. Di ako ganun." La paano nya nalaman yon, lalo tuloy akong nahiya "Ah, hehe. Hi-hindi naman sa ganun at tsaka nakakahiya din naman sayo pati sa mga magulang mo" napapahiya na talaga ko "Mag isa lang ako sa bahay, kaya nga naghahanap ako ng kasama sa bahay e. Wala kasi ang mga magulang ko,nasa ibang bansa sila, hindi ako sumama kasi di pa ko tapos mag-aral, at mag cocoledge pa ko. Ang hirap kaya ng walang kausap kapag nasa bahay ka, para nga kong ewan na mababaliw kapag nasa bahay lang, kasi sa sobrang tahimik nabibingi na ko" ay hindi nga to mabubuhay ng walang kasama, madaldal e "Ah sige, magkano ba?" tipid kong sagot "Libre na para sayo, para din naman to sakin e,para magkameron ako ng kausap" ang bait naman nito nagkwentuhan lang kami hanngang makarating kami sa bahay nya **** Labas palang maganda na, ano pa kaya ang loob pagpasok ko, nakanganga lang ako ang ganda kasi tapos ang lawak pa, kahit ako mababaliw kung ako lang ang titira dito at wala kong makakausap "AC ilagay mo nalang muna ang mga gamit mo sa sala, at huwag ka nga pala masydong ngumanga baja mapasukan pa ang bunganga mo ng langaw." ang ganda kasi "Ah s-sige, a-a-alis muna ko, mag eenrol p kasi ako e" ano bang nangyayari sakin para kong ewan "Hatid na kita" ang bait talaga ni marc pero ayaw ko magpahatid e "Naku, wag na" sabi ko pero hinila na nya ko palabas at pinasakay sa kotse nya. Dapat di na nya ko tinanong di rin pala nya pakikinggan ang aking opinyon e Tahimik lamang kami habang nasa biyahe tapos nung nakapunta na ko at nakababa sumusunod lang si Marc sakin. "Bakit ka nasunod sa akin" nagtataka kong tanong "Mageenrol ako" tapos non tinalikuran na nya ko "Huh? Dito pala sya papsok" pabulong kung sabi Tapos sumunod na ko at naglakad na kami para makapag enrol na A/N:Sino pong may Fb dyan? Add nyo po ako .. Marykhrys Olympiada po search nyo nalang po ... Ang alternate name ko po ay Dark Night Angel. yung iba po kasing Fb hindi akin e, at hindi din ako yung nagamit, baka po pinangalan lang po talaga sakin ^_^ . Chat nalang po tayo . Chapter 3 - Meet The Hearthrob Ng biglang *boogs* sound effect yan ng nabunggo "Aray ko po" sabi ko habang nakaupo sa sahig dahil nabangga ako ng napagkalaking tao, ganun ba ko kaliit para di makita ?? "What the, bakit mo ko binangga ?" sya nga tong nangbannga e "IKAW NGA ANG BUMANGGA SA AKIN E, TAPOS IKAW PA ANG MAY GANANG MAGALIT!!" sabi ko na medyo sumusigaw na "Ikaw ang paharang harang dyan e"sya yung bumunggo pero ako yung paharang-harang "ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO BAKIT SINO KA BA PARA MAGHARI HARIAN SA SCHOOL NA TO?SCHOOL MO BA TO? PAGMAMAY-ARI MO? IYO?" sabi ko naman, sarap kutusan nito "Hindi pero sa mga magulang ko to, at tinatanong mo kung sino ko, oh come on,ako lang naman ang napakagwapong lalaki na si Detrix"sabi nya na tatawa tawa pa at nagyayabang "ano naman kung sa mga magulang mo to? hindi naman ikaw ang may-ari diba. at ikaw napakagwapong lalaki? baka naman ikaw lang ang nakakapansin nun." sabi ko na medyo mahinahon na, ayaw kong gumawa ng gulo no, baka mamaya di ako tanggapin dito sa school na yo "what? Hindi mo ba talaga ko kilala, ako ang pinakasikat na lalaki dito sa school na to, ako ang pinagkakaguluhan ng mga babae dito, maliban sayo o baka naman nagpapansin ka lang sakin para lang mapansin kita, papayag naman ako kung iiinvite mo ko makita date sayo e, basta sabihin mo lang." pigilan nyo nga ako mkakapatay ako dito e "Ikaw pagkakaguluhan ng mga babae? Sa ugaling mong yan? Baka naman ginagayuma mo lang sila" sabi ko na medyo asar parin "What?Do you lahat ng sinabi mo" aba, niyayabang talaga ko nito ahh "Oo,gusto mo---" "o-o-o chill lang mga pre" sabi ni Marc. Nalimutan ko na nandito nga pala sya Hmm, makaalis na nga, Ayoko na kasing makipag away sa Detrix na yon. Baka makapatay pa ko e, makulong pa ko *** "Ui,AC tara na wala na naman tayong gagawin dito e. Uwi na tayo" Sabi ni marc, tapos na kasi kaming mag-enrol. Magkaklase kami kaya lagi kaming magkasama, mapaschool o mapabahay man. Pero ayos din para may kilala na agad ako "ahh, sige sandali lang sunod na ko, sarap pa kasi nang pakakaupo ko dito"sabi ko "Okay sige. Hintayin nalang kita sa kotse ha" sabi nya, ang bait talaga ^_______^ ? Maya-maya sumunod na ko kay marc pero may napansin ako. Bakit lahat yata sila humahawi sa dadaanan ko? Mabaho ba ko? maeron ba kong putok? *amoy.amoy* Wala naman, ang bango ko nga e. Tumalikod ako baka kasi may nanggyayari sa likod ko na di ko alam. Wla naman pero maynapansin ulit ako. may lalaki na kaway ng kamay sa mga babae at meron pang dalawang babaeng nakasabit sa braso. Peo teka parang nakita ko na to? Ito yung bumangga sa kin kanianA. Sya lang pala makaalis na nga. Marc's POV ang tagal naman ni AC, kanina pa ko naghihintay dito e, maya maya dumating na sya. "O, AC. Ang tagal mo naman yata?"sabi ko na medyo nagtataka "Napasarap kasi upo ko e. Pasensya na" sabi nya TAhimik lang kami sa biyahe. Pero binasag nya ang katahimikan "Sino yung Detrix na yun?"BAkit naman kaya nya natanong? "Bakit mo natanong?"Tanong ko naman "Sagutin mo nalang tanong ko?" "Sya yung heartthrob sa school first honor sya sa nung 3rd year sya" sabi ko na wala manglang kareareaksyon sa mukha ko, sya na naman kasi ang napansin, ako kaya kelan? Tapos tahimik nalang ulit kami ***Sa Bahay Nakaupo kami sa sala ngayon kwentuhan lang . "Amm, AC . Pwede magtanong?"NAgtatanong na nga ako diba "ano yun" "nagka boyfriend ka na ba?"tanong ko ulit "Hindi pa e, inuuna ko muna yung pag aaral ko at tsaka di naman ako masyadong maganda kaya walng nanliligaw sakin" sagot nya. Maganda naman sya ahh kapag tinitigan mo, lalo na kapag nakangiti "Maganda ka naman ah, siguro takot lang sila sayo" la anung sinabi ko? Tatakbo na ba ko ? >< "Wahahahahahahaha ! Baka nga ! Wahahahhahahaahahhahaha !!" ?? nuh daw, bakit sya natawa nakakaasar nga yung sinabi ko e "??" "Nga pala san ang kwarto ko?" tanong nya "ahh, oo nga pala. Tara, pakita ko sayo, hindi ko pa nalilinis pero maganda naman hindi ko kasi inaasahan na magkakaroon na ko ng kasama ngayon." ang daldal ko talaga " ayos lang, dapat nga ako pa ang magpasalamat sayo e . Chapter 4 - My Dream AC's POV Sumunod na ko kay Marc, Ewan ko ba kung bakit ang nito,tapos kanina maganda daw ako. Sows di yun totoo. Medyo maitim nga ako e. "AC ito o, passensya na ulit ." "Wooooooooooooooooooooooooooooooooooow,ang ganda at laki pa triple yata ang laki nito sa kwarto ko dun sa probinsya e." Sabi ang laki kasi talaga ngumiti lang sya tapos umalis na. Ako naman pumasok na sa loob ng bago kong kwarto. Medyo malikabok lang pero di naman masyado. Simple lang pero maganda *** konti lang lilinisin kaya madali akong natapos tapos humuga ako sa kama ko, Tapos nakatulog ako "AC. Oo AC ang pangalan mo diba?" ito yung lalaking bumunggo sakin "Paano mo nalaman ang pangalan ko?"Tanong ko sa kanya, na may pagkahalong pagtataka sa mukha. "AC nga ang pangalan mo" Tapos nun kumanta sya "Alam mo ang ganda mo pala Pagtumawa ang yong mata Hinahabol ko ang bawat mong tingin Pero ito'y di' mo napapansin Wala akong maipagmamayabang Porma ko'y pasimple simple lang Sino ba ako walang dating sayo Di tayo bagay sobra mong ganda talaga Di ko alam hanggang kailan tayo Di ko mabago ang ikot ng mundo Pero sama ka sa aking biyahe Atin lamang ang araw na ito Ang buhay ay sinasakyan lang yan Di ko alam ang tungo kung saan Pagsumama ka sa aking biyahe Iaalay ko ang puso ko ohhhh..." Pinagtitripan yata ako nito e, patulan ko kaya to Nilapitan nyo ko sabay pitik sa ilong . "Ouch, ang sakit. Ay panaginip ang pala" para kasing totoo *tok.tok.tok* "AC kakain na" "o sige, sunod na ko" ----- Detrix's POV Nandito ako ngayon sa Bar. Wala lang trip ko lang magpakaflirt ngayon "Hi" sabin nung babaeng nakatube na halos lumabas na ang kaluluwa "Ow, hi" sabi ko nga diba i just want to be flirt tonight. "Pwede ba tumabi ko tumabi sayo" sabi nung babae. Ganun ba ko kagwapo ? Babae na kasi agn lulumapit sakin . "Sure, san mo gusto? Dito sa tabi ko o dito sa lap ko?" sabi ko na pang ang gustong sabihin ay doon nalang sa lap ko "Dito nalang" biglang upo sa lap ko. Landi naman nito. "Oh, hey. Do you want to introduce yourself?" tanong ko, hahalikan kasi sana ako. "ammf,sure. Lexie and you are?"sabi nya tapos niyakap ako sa leeg. "Oh, Lexie, nice name. Detrix my name is Detrix" sabi pero sya imbis na magsalita hinalikan lang ako,kaya pinatulan ko na,blessing din to. At tsaka matagal na di akong di nakakatikim ng labi e. baka mga 1 taon na. tumagal ang paghahalikan namin ng 10 min. "Gusto mo gawin natin to sa private place"ano kaya, mag yeyes kaya ako? Paasahin ko kaya to. Sige na nga oo na. "Sure, san mo gusto" tanong ko, haha ang flirt ko "Sa bahay mo." sa bahay ko pa talaga ha, sige ba "sure" sabi ko na medyo nagyayabang Lumabas na kami sa Bar. Tapos pagkadating namin sa bahay ko. Sinunggaban agad ako kaya pinatulan ko na ulit tapos binitin ko sya. wahahaha ,pumunta na ko sa kwarto ko pero sya sumusund lang sakin . Humiga na ko sa kama ko,pero sya di alam kung anong gagawin. "Anong ginagawa mo?" tanong nya sakin ... "Nakahiga" sabi ko sa kanya, sya naman lumapit lang sa kin "Gusto mo palang maglaro muna tayo hah, edi sige" Pumatong sya sakin at hinalikan ako. Ako naman walang paki. Wahahahahahah makatulog na nga. Pagkagising ko wala na si Lexie. Pakiramdam ko ang sama ko tuloy pero anung magagawa ko kung di nya ko nilandi edi hindi sana sya umaasa. Ang landi kasi, buti nga sa kanya A/N: O diba kaya wag magpakalandi, pwede namang magmahal ng di nalandi e, pero ito naman si Detrix Paasa kapikon din. Hmmm. Sana naenjoy nyo. :)) Chapter 5 - First Day AC's POV Ang aga kong nagising sabik na sabik na talaga akong pumasok. Nagluto narin ako ng almusal namin nakakahiya din kasi baka isipin nyang wala akong kwentang kasama sa bahay... Nung natapos akong maglutoo ginising ko na si mark . "Marc, Marc gising" sabi ko ang hirap namang gisingin nito. "Ui" hirap talaga, tapos bigla nya kong hinila at niyakap. "Ui ano ba?" Sabi ko habang tinutulak sya ... "Wag mo kong iwan parang awa mo na wag mamatay ako kapag iniwan mo ko, hindi ko kaya. Meysii hindi ko kaya please wag mo kong iwan" sabi nya, napatingin ako sa mukha nya, naiyak na sya bakit kaya? At sino naman kaya si Meysii, kasi ang pagkakaalam ko Ac ang pangalan ko at gindi meysii "Hindi ako si Meysii, si Ac to at wag mo kong iwan? bakit kita iiwan e wala naman akong ibang pupuntahan at tutuluyan ---" naputol ang mga sinasabi ko bigla kasing lumuwag ang pagkakayakap sakin ni Marc. Ano ban nangyayari dito sa lalaking to? Umupo na ko sa kama ni Marc at ginising na sya ulit nang magising sya ang dami ko agad tanong "Ui Marc anong nangyayari? Bakit ka umiiyak? Sino yung iiwan ka? Bakit ka mamatay? Sino si Meysii ? Girl Friend mo ba sya? Iniwan ka ba ---" di ko natapos ang mga sinasabi ko bigla kasi syang nagsalita "Wag mo ng isipin yun" ha ang dami kong tanong tapos iyon lang ang isasagit nya. Ang wirdo naman ng lalaking ko... Bumaba na kami nasa taas kasi ang mga kwarto namin.. Sino nga kaya yung meysii na yun? Siguro sinaktan nya si Marc. "Ahh, Ac wag ka sang magalit pero pwede bang wag kang basta-basta pumapasok sa kwarto ko ??" Seryoso yung pagkakasabi nya nun "Oo sige" sabi ko na parang nagtataka parin. Pagkatapos nyang kumain sinabi nyang sya na ang maglilikpit ng mga kinainan namin kaya iyon pinabayaan ko na sya at naligo na ko. Sabay na kaming pumasok tutal parehas naman kami ng school na pinapasukan ... At parehas din naman kami ng section Nasa room na kami ni Marc .. Wala napansin sakin pero kay Marc ang daming nagogood morning. Sabi ko naman kasi sa inyo hindi ako maganda e kaya walang napansin sakin "Tara dun makipagkwentuhan tayo" sabi nya. "Ayoko, ikaw nalang" sabi ko naman. "Ammf, hi. Sya ba ang Gf mo Huh Marc?" sabi nung babae "Hindi e, pero she's my bestfriend " wow, bstfriend agad di pa nga kami masyadong magkakilala tapos bestfriend agad pwede bang riend muna. "Hi I'm Jozhelle. What's your name?"sabi nya, friendly sya o ... "Ana Cristina pero AC ang tawag nila sakin" sabi ko na may malaking ngiti sa aking labi. "Transfer ka ba?" tanong nya ulit sakin "Oo e, kaya nga wala akong masyadong kaibigan dito e" sabi ko ulit "Okey, let's be friends" ang babait yata ng mga tao dito? "Sige" pero pansin ko parang tumahimik o talaga lang maingay ako? "Ahhh, Jozhelle. Bakit tumahimik anung nangyari, at tsaka wala pa naman tayong teacher ah?"sabi ko kay Jozhelle "Nandyan na kasi ang heartthrob ng school" sabi nya ang epal naman may heartthrob heartthrob pang nalalaman. "Sino naman yun. Ang epal naman nun,kung sino man sya" hahaha, ang sama ko naman "Hindi sya ang epal yung mga babaeng nasunod sa kanya"sabat naman ni Marc "Lalandi naman" sabi ko ulit "hindi sila malalandi, nahanga lang talaga sila" sabi naman ni Jozhel . Sabi ko nga e. "Ay oo nga, tara makietchoz"sabi ko na patayo na sana pero pinigilan ako ni Marc "Hindi mo gugustuhing makietchoz dun"marunong din palang si Marc ng salitang bakla, kala ko puro pagpapapogi lang ang alam nito ang gwapo kasi nitong lalaking to e. "Bakit naman?"yun nalang nasabi ko "yun lang naman ang taong nakaaway mo nung isang araw" kaya naman pala. "buti nalang pala sinabi mo"pero gwapo din naman sya e. Waaaah ano ulit yun erase erase erase Dumating na yung teacher namin. "Okay class may transfer tayo ngayon, hija pwede mo bang ipakilala ang sarili mo?"malamang naman kapag sinabi ko bang ayaw ko papayag ba kayo hindi naman diba... Hay ka sama ko talagang magisip.. Tumayo na ko, dito lang sa upuan ko ayoko sa unahan no. Medyo shy pa ko."Ako si Ana Cristina Castillo, Ac nalang 16 years old na ko galing Batangas." sabi ko na mdyo mahina Shy pa nga ako diba NAgklase na kami ang dali naman ng topic dito sa Science namin Physics lang, Halos alam ko na yata ang lahat sa Physics e. Natapos ang oras ng science namin ng di ako nakikinig pero marami rami din naman ang recitation ko kahit papaano. Math ang sunod naming subject.Ang dali lang din Mean,median, mode lang ng group data. "Miss Castillo, do you want to answer this data?" sabi sakin nung teacher.tumayo na ko at sinagutan yung Data di ko na nilagyan ng solution utak lang naman kaylangan dyan at tsaka ang dali lang naman kaya di na kaylangan ng solution. "Very good Miss Castillo, I hpe you will be an Honor For this school year" Laki naman ng expectation nito. "Salamat po sir" sabi ko dun sa teacher sabay smile. "Tss. parang yun lang e." bulong ni Detrix. Bumulong pa sya e rinig din naman. At nga pala magkatabi kami kaya ko narinig yun. jejejeje Tuloy na ulit yung klase. Ang ganda ng first day ko pakiramdam komagiging madali ang pagiging Fourth year ko. Chapter 6 - Fallin' Nasa bahay na kami ni Marc, ako umakyat na sa taas at natulog na. nagising ako kasi napanaginipan ko na naman si Detrix, hindi ko alam pero palagi ko na syang napapanaginipan at lagi nya kong kinakantahan sa panaginip ko ng iba't ibang kanta. Pero gusto ko tong napapanaginipan ko kasi sa totoong buhay wala pang kumakanta sa akin ng mga love songs. *** Kinabukasan maaga akong nagising para magluto ganun din katulad ng lagi kong ginagawa sa umaga. Nung nasa school na kami, hindi ako pinapansin ni Detrix katulad ng dati, pero parang gusto ko syang pansinin, pero kapag ba pinansin ko sya papansinin din kaya ako? O baka naman snob lang ako. Haaaaaay. nung nagklase kami napansin ko na ang daming recitation ngayon ni Detrix pero di ako papayag kaylangan mas magaling ako sa kanya, kaylangan madaig ko sya. Natapos ang araw na ako at si Detrix na naman ang sagot ng sagot.Ganun nalang palagi. Ang lungkot naman. Gusto kong pansinin si Detrix pero di ko matyempohan lagi kasi syang may kasamang babae at tsaka nahihiya din ako. Umuwi na ko, Papatulong nalang ako kay Marc para mapansin ako ni Detrix. "Marc, pwede mo ba kong tulungan?" sabi ko "Ano yun?" sabi naman nya. "Pwede mo ba kong tulungan? Gusto ko kasing pansinin ako ni Detrix, ang sama kasi ng pagkikita namin sa isa't isa" sabi ko naman ng dire-diretso. Marc's POV "Okey sige"sabi ko, nalungkot ako dun ah. Bakit kasi so Detrix nalang lagi ang napapasin? Sya nalang lagi. Kahit ang babaeng mahal ko kinuha nya, kinuha nya si Meysii sakin. Umakyat na ko sa taas at pumunta sa kwarto ko. Pabayaan mo na nga pero paano ko naman sila pag uusapin?? Grrrr, makatulog na nga lang. "Marc *tok.tok* tara kakain na" sabi ni Ac kasi sya lang naman ang kasama ko sa bahay ko diba. "Sige, sunod nalang ako" sagot ko naman. bumaba na ko, pero naalala ko na naman kung paano pag uusapin si Detrix at si Ac. "Bakit parang masaya ka ngayon?" tanong ko. "Wala lang sabi mo kasi tutulungan mo kong makausap si Detrix e." sabi nya sakin, katulad noon sya naman ang napansin. "May gusto ka ba kay Detrix?" halata naman kasi na may gusto sya kay Detrix, di ba kami magkamukha? hindi ba halatang kambal kami?? Hay,kung alam mo lang sana... "Ha?" tanong nya na medyo gulat. "Tinatanong kita kung gusto mo si Detrix, mahal mo sya no?" sabi ko na medyo tatawa-tawa pa. "Ah-ah-ah,Hindi ko alam"sabi nya na medyo utal na , haha, anh cute "Mahal mo na siguro sya , lahat naman yata may gusto sa kanya" sabi ko, totoo naman kasi... "Hindi ko talaga alam ! Tara kain nalang tayo" haha, pulang pula na sya . brain blast. Alam ko na kung paano. Wahahaha Chapter 7 - First Kiss Ac's POV pagkatapos naming kumain ni Marc, umakyat na ko sya na kasi ang maglilikpit. Bakit kaya nng kumakain kami oarang tawa sya ng tawa, di naman ako maamus... Di kaya ... Hindi, hindi mangyayari yun . Wahhh panu kong nababaliw na nga sya ? Waaaaah ulit. Ayaw kong magka meron ng kasamang baliw. Natulog na ko, tapos na naman ako sa mga Assignment ko. **** Katulad ng dati nagising na naman ako ng maaga at nagluto na din. Si Marc naman ang naglikpit ulit. Tapos pumasok na kami. Sa school... Pansin ko lang para yatang close ngayon sina Marc at Detrix, at para yatang magkahawig sila, kalokalike lang ? Pero mag kahawig talaga sila e, para silang pinagbiyak na bunga. pagkatapos namin sa school, hinintay ko si Marc doon sa Parking Lot ayaw ko sa room no. Nung dumating si Marc, umalis na kami. "Bakit parang ang tagal mo, o mabagal lang talaga ang oras kaya ka natagalan." sabi ko, pero di naman yung tipong asar. "Wala, may ginawa lang ako" medyo natawa pa sya. "Ang saya mo yata ngayon?" tanong ko, baka nga nababaliw na to. Sa bahay pagkauwi namin umakyat na ko papuntang kwarto ko. bakit parang naiba yata ang ayos ng kwarto ko, o baka naman guni-guni lang.? hmm yain mo na nga,. Nagbihis na ko at humiga sa kama ko. ng biglang ... "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH, WAAAAAAAAAAAAAAA..." bakit nandito si, si, si Detrix .., Waah wala syang damit nakatapis lang sya ng tuwalya sa bewang nya. "ANONG GINAGAWA MO DITO SA KWARTO KO?" tanong ko, tres passing sya no "Ikaw nga ang dapat kong tanungin e. Bakit ka ba nandito? At kwarto mo. Duh. That's my room" e, bakla yata to e, may pa duh-duh pang nalalaman. tumakbo nalang ako sa labas ng kwarto KO at sumigaw. "MARC< MARC MAY NAKAPASOK DITO, MARC"ang tagal naman ni Marc. "haaaay, ang ingay" sabi naman nitong lalaking to. "Kung hindi ka naman pumasok sa kwarto ko edi sana hindi ako nagiingay" sabi ko naman, medyo pabulong lang. "What? Ilakas mo hindi yung binubulong mo" haaaay, ang sama na nga nung una naming pagkikita yung pangalawa masama parin, paano kaya yung pangatlo? "O, nagkausap na pala kayo, Yan Ac natupad ko na ang Promise ko ha, nagkausap na kayo" sabihin daw ba sa harap ni Detrix, para tuloy nangangamatis ang aking pisgi. "Gusto mo pala kong makausap huh, sige papayag ako, Marc iwan mo muna kami, mag uusap muna kami ..." okay, kayo na. "Sige ba basta ikaw bro" sabi ni Marc, close pala sia. "Waaaah!" nabigla naman ako, hightin daw ba ko. Tapos itulak sa kama, Tan**A pala to. Di ako papatol sayo noh, di tayo talo. "Subukan mong sumigaw, makakatikim ka talaga sakin" waaaah, nakakatakot naman tong lalaking to T_T "Akala ko na mag uusap tayo, bakit tayo nakahiga" nakayakap pa sakin. "Tulog tayo, Maya tayo mag-usap" asar naman bakit ba ko nagkagusto sa lalaking to. Pero ayos din. Hmmm tulog na nga lang ako matulog daw e. Nagising ako kasi parang may kumikiliti sa ilong ko, kaya kinamot ko, tapos parang may kumiliti ulit kaya minulat ko na ang mga mata ko. Pag mulat ko O_O Nakatingin sya sakin , at nakayakap parin sakin ako naman nakayakap na sa kanya. "Napasarap yata ang tulog mo" sabi nya, ako tumalikod nalang kulay pula na talaga ko >< "Nahiya ka pa, humarap ka nga dito. Kapag di ka humarap hahalikan kita. Pero ako ayaw ko paring humarap "Ahhh, ganun di ka talaga haharap." humarap na ko nakakatagol kasi talaga. :* Dapat di na ko humarap, nawala tuloy ang pinaka iingat ingatan kong first kiss. Hindi pa on e, aksidente pa e!! At ang ganda pa ng reaksyon nya huh, Poker face. "Wala na, Wala na ang first kiss ko,wala na"sabi ko na medyo naiiyak na "Tsss para namang napakahalaga ng first kiss. At tsaka kung hindi ka naman humarap ----" "E sabi mo humarap e" sabi ko na medyo pasigaw na "Gusto mo mawala pa yung second?" sabi naman nya, ako naman tinakpan ko nalang ang aking lips "Grr, Change topic. Mag bestfriend ba talaga kayo ni Marc?"sabi ko. HIndi kasi halata sa kanila. "Hindi" sabi na nga ba hindi e. "Bakit ka nya tinawag na Bro?" wala lang Curios lang ako "Duh, Bro brother. He's my brother. Magkakambal kami" ayan na naman ang duh na yan, pero kapatid. "Ha?" gulat kong sabi. "Bingi bingihan lang ang peg. Maglinis ka nga ng tenga mo. Oo, totoo magkakambal kami ni Marc, at dito muna ako sa bahay na to, ayaw ko dun sa bahay ko. ayoko na dun" "Diba ang sabi mo ito ang kwarto mo? Edi ang ibig sabihin ako ang mawawalan ng kwarto? Tapos saan naman ako lilipat ng bahay? Dun ka nalang sa bahay mo, para di ako ang mawawalan" sabi ko naman. "Wag ka ngang OA, gusto mo tabi tayo sa kama, tapos share tayo sa kwarto, pwede naman yun diba?"Ayaw ko no... no no no "Waaaah, ayoko nga lilipat nalang ako ng bahay" ayoko kasi talaga na may kasama sa kwarto at katabi sa kama. "Bakit naman ayaw mo, ang swerte mo nga e." ano kayang swerte dun. "Ano kayang swerte don?Teka nga pwede ka naman dun nalang sa kwarto ni Marc ah, tutal magkapatid naman kayo" "Ayoko, ayoko na may katabing lalaki sa pagtulog."arte naman nito "Arte mo naman, pero alam mo ayoko din na may lalaking katabi e" sabi ko ayaw pa kasing umalis ang arte pa. "Okey pwede ka ng umalis" seryoso ba sya? hay san ako pupunta? "Sige na nga, kung may mapupuntahan lang talaga ko, nakaalis na ko." sabi ko na medyo mahina. "Ayos, tara na kain na tayo" sabay higit sa akin *** maraming linggo ang lumipas at para na talaga kaming mag bebestfriend nina detrix at Marc. At parang nararambaman ko na rin na parang nawawala na ang nararamdaman ko para kay Detrix. Detrix's POV Ang saya ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigang babae, para na kaming magkakaibigang tunay nina Marc. Kahit hindi kami masyadong close ni Marc naging sobrang close kami ng dahil kay Ac. Mabait pala tong babaeng to e. "Ammmf, Ac. GRrr Wag na nga lang!" paano ba ko aamin? di naman ako sanay. Haaaaay mababaliw na ko sa kakaisip e. "Bakit, Nga pala CS tayo" CS, yak masyadong girly "CS sige na nga, ano bang gusto mo?" bakit ba pagdating sa babaeng to hindi ako makahindi "Ammf,best. ayaw ko, friend nalang kaya. *iling* e kung bessy nalang kaya"bessy k " Yak,e kung Dre nalang kaya.Marc ano payag ka no." sabi ko kay Marc "sure Dre nalang,, wala ka ng magagawa Ac dalawa kami, isa ka lang"tama ka dyan Marc "Okey,sige na nga, talo na ko e" may pa cs cs pa kasing nalalaman. Pero hindi ko parin alam kung papaano ako aamin, sure naman ako na may gusto din sa akin si Ac kasi dati naman sya ang nagawa ng paraan para magkausap kami. Pero paano kung hindi? tulong naman o. Brain blast. wahahaha Chapter 8 - Sorry Detrix's POV Nandito na ako sa kwarto ko,hindi ako kakain ng hapunan di ako sasabay sa kanila at matutulog-tulugan muna ako, pero kapag ginising ako ni Ac secret. Wahahaha Ayan na may bumukas na ng pinto. Ayan na... "Hoy, kapatid ko alam kong nag tutulog tulugan ka lang, bumangon ka dyan. hindi pupunta si Ac ngayon dito sa kwarto mo. Doon daw muna sya sa kwarto ko ngayon"Ay si Marc, panira talaga to kahit kailan. Pero dun muna si AC sa kwarto nya. No way "Ano hindi pwede. Dito matutulog si Ac. Dito!" sabi ko kay Marc "Sows, wag ka nga papa Detrix. Nahahalata ka e.wahahahaha" waaaaah, alam na nga nya. "Oo na, tara na nga" sabi ko. Bumaba na kami. Naita ko agad si Ac hindi pa sya nakain, hinihintay pa kami. Pero ang pinagtataka ko lang bakit ba ko nagkagusto sa babaeng to e hindi naman sya masyadong maganda e. Oo maganda sya pero hindi naman sya yung mga tipo kong babae. Hay, ikakain ko nalang to. "Ahh, Ac." sabi ko kay Ac, ano naman kayang sasabihin ko kay Ac? "Pwede wag ka dun sa kwarto ni Marc matulog?" sabi ko. " dun ka nalang sa kwarto ko. Sa kwarto natin." dagdag ko pa. "ha bakit naman?ayaw mo bang sumarap ang tugtog ko?" ibig sabihin ba nyan kapag si Marc ang katabi masarap ang tulog nya kapag ako hindi. OUCH ! "Ibig sabihin kapag si Marc ang katabi mo masarap. Kapag ako hindi. ouch !"sabi ko na parang umaaarteng masakit. Pero masakit naman talaga e. "Anong katabi. Ayaw ko no, kaya dun ako sa kwarto ni Marc kasi sabi nya doon daw muna ako at tsaka sasarap ang tulig ko kasi wala akong katabi" sabi nya ng dire-diretso. San naman kaya tutulog si Marc.? "Saan naman tutulog si Marc?" tanong ko. Ngumiti lang silang dalawa at alam ko ang ibig sabhin nun. "NO WAY, diba ang sabi ko naman sa inyo ayaw ko ng lalaking katabi" Ayaw ko talaga. "Bakit ngayon masaya naman yon ah, Papa Detrix"lintik na to nagbakla baklaan pa. Kutusan ko to e, "Gusto mo kutusan kita? No, Ac doon ka sa kwarto ko" sabi ko na medyo mataas na ang boses ko "*pout* Sige na nga." wag kang ganyan Ac baka pumayag ako. Nang matapos akong kumain umakyat na ko. Bukas nalang yung plano ko. Wag nyo tong sasabihin kay Ac ha. Ang plano ko kapag ginising ako ni Ac at magtutulog tulugan ako. tsaka ako aamin kapag nalaman ko ang sagot nya mag iinarte ulit ako . Nagising ako, kasi ginising ako ni Ac . Yes, Ito na ang pagkakataon ko. "I love you, I love you so much Ac, Please don't say you don't love me mahal na mahal kita." Sabi ko kay Ac na parang tutulo na ang luha ko. Acting nga diba. "Ha, anu bang sinasabi mo bumangon ka nga dyan." sabi ni Ac. Hinigit ko sya at Niyakap. "Please, Ac say I love you too mahal na mahal kita, please.!" sabi ko galing kong umakting pang best actor e... "Sorry Detrix, hindi kasi e" ouch, my heart's break. "No, no way you're kidding right?, sabihin mo nagbibiro ka lang!" sabi ko na medyo naiiyak na hanggang sa umiyak na ko ng tuluyan. "Sorry.!" halata sa boses nya na hindi sya nagbibiro kaya binitawan ko na sya. Tapos ginising nya na ulit ako. "Detrix, gumising ka na." sabi ni Ac. Minulat ko ang aking mga mata. Umakting muna ko na parang di ko alam ang nangyari pero sa loob ko pinapatay na ko ng dahil sa sakit na nararamdamn ko. "Bakit ako umiiyak?" sabi ko. Haiys maang maangan mode. "Sorry Detrix." Tapos lumabas na sya. Tumulo na ulit ang aking mga luha na naudlot dahil sa pag arte ko. Bakla na kung bakla pero mahal ko talaga sya e.... Hindi muna ko puasok sa school. Nagmumukmok ako dito sa aking kwarto kaya itutulog ko nalang to baka sakaling mamaya ayos na ko ... "Sorry Detrix, hindi kasi e" paulit-ulit lang sa isip ko yang mga linyang yan. Maybe it's the End or maybe the beginning. Kaylangan kong magbago.Siguro kaya hindi ako nagustuhan ni Ac kasi Masyado akong mayabang at hindi marunong magpakababa. Kaya kaylangan ko ng magbago ay magmove on Epilogue Ilang buwan na ang nakalipas at nakamove on na ko pero inaamin ko may konting sakit parin talaga sa puso. Gagraduate na din kami sa isang lingo, kaya malapit na kaming maghiwa hiwalay *** Graduation na, ang saya ang dami kong ngayong fourth year ako. Dati walang kwenta ang high school life ko. At biruin mo yun nagmahal ako at nasaktan. Kahit wala akong karapatang masaktan nasaktan parin ako. Marunong din pala ako nun. "Ahh, Detrix." tinatawag ako ni Ac bakit kaya? "Oh,Ac. Bakit?" sabi ko sa kanya ng mayroong napakalaking ngiti sa aking mukaha. gannito itsura ko o ^______________^. At oo hindi nagbago ang pagkakaibigan namn, galing diba. "Ah kasi. Arggggh naalala mo ba nung nanaginip ka, narinig ko kasi na nagsalita ka, narinig ko kasi yung mga sinabi mo." alam ko naman e. Hahaha. Pulang pula na sya ang Cute. "Alin yun?" maang-maangan mode na naman ako.At katulad ng dati pang best actor na naman ako. "Yung sinabi mo na. Ac I love you so much narinig ko kasi at alam kong hindi ka tulog nun kasi nagtutulog-tulugan ka lang" ha, alam pala nya. Di pala ako pwedeng best actor "Ahh, hehehehe"yun nalang nasabi ko ... "Yung mga sinabi ko totoo yon." alam ko naman e. bakit kaylangan pa nya akong ipaalala?. "Alam ko naman yun e kaya wag mo na yung isipin." sabi ko kay Ac at alam kong may namumuo ng luha sa aking beautiful eyes. "Ikaw kasi, pinabayaan mong mawala ang nararamdaman ko para sayo kaya iyan tuloy." sabi nya. Oo alam ko na yun. "Sayang." sabi ko na parang naglooloko. pero nasasaktan parin ako. "PEro nung sinabi mo yun sa akin. Iniisip ko palagi kung totoo yun. At parang bumalik ang nararamdaman ko para sayo. Kaya Detrix Garcia, I'm proud to say I love you,Pero di ako manliligaw sayo kasi wala akong balak." sabi nya. O_O Totoo ba yun, Di naman ako nananaginip diba? sinapal ko ang sarili ko "Hindi nga" pabulong kong sabi. "Sige wag kang sumagot ka di pa nga ako nanliligaw basted na agad ako" hahaha, nakakatawa tong baabeng to. "Di kita binabasted at tsaka ayoko nga na ikaw ang manliligaw sa akin di kaya bagay sayo. Kaya Ana Cristina Castillo pwede ba akong manligaw?Kung pwede nga sana tayo nalang ayaw ko na kasing makukuha ka ng iba kaya naman papalitan ko ang aking tanong. Ana Cristina Castillo pwede ba kitang maging girl friend?" sabi ko ng dire diretso sa harapan ng babaeng to. "Ammmmf, pwedeng tumanggi?" lakas din ng trip nitong babaeng to. "Nope, kaya sa ayaw at sa gusto mo Gf na kita." sabi ko. Wahahaha wala na syang magagawa "Okey sige." biglang yakap nya sa akin. "I love you Ac." sabi ko. "I love you to Dre." hahaha naalala pa pala nya ang aming Cs. Pumunta na kami sa mga upuan namin. Magkatabi kami kasi ako ang Valedictorian at sya ang Salu kaya magkatabi kami. Nung kumanta na kami ang daming umiyak. Ako nga din naiyak at hindi ko alam kung bakit ako naiyak. Tears of Joy at pagkalungkot din kasi mawawala na ang aking High School life ko. At hindi ko ulit to mararanasan, Sayang nga di ko masyadong naenjoy ang buhay ko. Pero sa isang taon at huling taon naenjoy ko naman kaya salamat kay Ac. The End. A/N:Salamat sa lahat ng nagbasa kahit hindi masyadong maganda ang storya ko happy ending naman kaya salamat parin. At God Bless Din sa inyong lahat :))